HOW TO ENJOY THE NEW SELECTA MAGNUM ICE CREAM?







STEP 1: Maghanda ng Php50 at pumunta sa pinakamalapit na supermarket o 7-Eleven. Bumili ng kahit anong flavor ng Magnum. (Wag manghinayang kahit dalawang sundae na sa McDonald's ang katapat nito.)

STEP 2: Umuwi sa bahay at buksan ang biniling ice cream (IMPORTANTE: Wag hayaan na mapunit o masira ang wrapper.) Kumagat ng konti. (WARNING: Kaunti lang para maganda pa rin tignan.)

STEP 3: Kumuha ng digicam, camera phone o DSLR (mas recommended ang DSLR para mas maganda ang resolution at mas maangas ang dating.) Pwede rin webcam.

STEP 4: Kuhanan ang sarili ng picture habang pakagat sa ice cream. Kuhanan din ang wrapper. Kung camera shy, pwedeng 'yung ice cream at kamay mo na lang. Pero dahil Magnum ‘yan, gusto mo ipamukha sa madlang pipol na can afford ka!!!

STEP 5: Mag-log in sa Facebook, Twitter, Tumblr, Plurk, Blogger, Wordpress, Photobucket, Flickr, Google Plus, at sa iba pang online sharing sites.

STEP 6: (IMPORTANTE) I-upload ang picture kasama ang Magnum at lagyan ng caption na: "NOW EATING SELECTA MAGNUM ICE CREAM! OMG! I'M LIKE SUPEEERRR-R COOL & 'IN'! TRY IT DIN! HARHARHAR!" (Pwedeng palitan ang way ng pagtawa.)

STEP 7: CONGRATULATIONS! You are now part of the …

SAMAHAN NG MGA ABNORMAL NA SUNOD SA USO Inc.

Please claim your membership card by calling 123-45-67.

Comments